Philippine Idol finalist Jan Nieto is thankful to GMA-7
Si Jan Nieto ay produkto ng Philippine Idol noong franchise ito ng ABC-5. Pero nang ilipat ng Fremantle Media sa GMA-7 ang franchise at naging Pinoy Idol, naipasantabi ang nagawa ng mga may kaugnayan sa Philippine Idol, pati tagumapay ng dalawa sa mga finalist nito. Sina Gian Magdangal at Jan Nieto ay parehong namamayagpag na sa GMA-7 at bini-build up na rin ng nabanggit na network.
"Ever since, thankful na lang ako sa GMA-7," sabi ni Jan. "Kahit ano pa ang sabihin, na binalewala na lang nila yung nauna talagang Philippine Idol, that's just fine with me. Ang mahalaga ay sinuportahan pa rin kami ng GMA-7.
"May mga nagsasabi na mas magagaling pa raw talaga kami kung ikukumpara sa Pinoy Idol winners and finalists, pero kanya-kanya kasing opinyon 'yan. Happy na lang ako na nasa GMA-7 ako, at wala rin akong masasabi kung sinu-sino yung mga napili sa Pinoy Idol. Iniisip ko na lang na ibang batch kasi sila."
Tinatanaw na malaking utang na loob ni Jan ang atensiyong ibinibigay ng GMA-7 sa kanya, sa pagma-manage na rin ni Leo Dominguez sa kanyang singing career. Naitanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John kung ano ang masasabi niya sa pagkapanalo ni Gretchen Espina sa Pinoy Idol ng GMA-7.
"Deserving naman din kasi si Gretchen, sa napanood kong performance niya, ha," mabilis na sagot ng simpatikong balladeer. "Hindi ko lang talaga nasubaybayan ang buong season, e.
"Sa few times na napanood ko, okey naman ang performance niya, and at the same time, maski naman sa amin, ganoon na ang mechanics ng show. Malaking influence talaga yung text voting. Kung yun ang paraan at doon nanalo si Gretchen, deserving pa rin siyang manalo," nasabi pa niya.
Wala naman siyang naging bet noon dahil hindi nga niya nasubaybayan ang Pinoy Idol season kung saan nagwagi si Gretchen.
Mula sa pag-awit ng theme songs, gaya ng love theme ng Kamandag noon, mapalad si Jan na nagmarka ang interpretation niya sa theme song ng pelikulang Paupahan, na may pamagat na "Sangandaan." Recently, may version si Jan ng original song para sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, may pamagat na "Ikaw ang Pag-ibig Ko."
YOU'VE GOT MALE CONCERT. Pumi-pick up ang career ng simpatikong mang-aawit bilang miyembro ng pop quartet na You've Got Male na bahagi ng S.O.P. Kasama ni Jan dito sina Bryan Termulo at Harry Santos, kapwa naging runners-up noon ng Pinoy Pop Superstar. Si Gian Magdangal na kasama niya sa Philippine Idol ay part din ng grupong ito.
"Maganda nga ang effect dahil kanya-kanya kami ng forte at personalidad," sabi pa ni Jan. "Palagay ko, umingay ang career ko dahil naging part ako ng grupo. Pero, may kanya-kanya pa rin kaming career. Nagkataon lang na nagsasama-sama kami sa S.O.P., at ngayon, may first major concert kami na may pamagat na Four... The First Time.
"It will be staged at the Music Museum on February 20. Resulta ito ng clamor ng maraming tao, mula nang mapanood kami sa S.O.P. hanggang yung maliliit na gigs namin sa iba't ibang smaller venues ay talagang tinatao, naka-create kami ng following," nangingiting salaysay ng binata.
TRYING ACTING. May offer na kay Jan ang kumpanya ni Allen Dizon para maging part ng cast ng indie film na Marino. Gaganap siya rito bilang kapatid ni Ara Mina.
"Sabi nga ng manager ko, in the bag na nga raw yun," excited na sabi pa ni Jan. "Noon pa naglalaro sa isipan ko ang pagsubok sa pag-arte. Gusto ko rin naman talagang mag-artista.
"Sabi nila, bold daw ang theme ng movie, pero ang pagkakaalam ko, it's more of drama. Kung may sexy, I don't think na ako ang magpapa-sexy. Hindi naman ako handa sa ganyan," natatawang dugtong pa niya.
Nilinaw ni Jan na interesado rin siyang umarte sa indie films. Kailangan lang na ma-emphasize kung ano ang forte niya, which is singing. Ito na muna ang uunahin niya.
"Kung 'yan na ang chance, gusto kong subukan. Si Direk Paul Sta. Ana ang direktor. Pero, tinanong ko rin talaga kung sexy ba yun, o may gagawin akong medyo daring.
"Sana, makasama ako sa shooting sa Thailand, pero hindi pa ako sure. Hindi naman daw ako kailangang magtanggal ng damit. But, just in case, dapat sigurong paghandaan ko na, magbababad na ako sa gym which I'm doing na rin, as part of You've Got Male," natatawang pagwawakas pa ni Jan.
source: pep.ph

bwisit! bakit hindi na lng si MAU MARCELO?
ReplyDelete